Sat. Feb 7th, 2026

May nagpapatumba umano kay Ramil Madriaga, ayon sa kanyang abogado na si \Atty. Raymund Palad.

Sinabi ni Palad na may natanggap na impormasyon ang kanyang kliyente hinggil sa banta sa kanyang buhay mula sa ilang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na may nag-aalok umano ng malaking halaga kapalit ng kanyang buhay.

Nilinaw naman ng abogado na nananatili ang tiwala nila sa seguridad na ipinatutupad sa loob ng BJMP.

Si Madriaga, dating military agent na kasalukuyang nakadetine sa Taguig dahil sa kasong kidnapping, ay nagsumite ng affidavit na isinama sa ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang reklamo ay inendorso nina Rep. Percival Cendaña ng Akbayan Party-list at Rep. Leila de Limang ML Party-list.

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Madriaga na siya ay naghatid ng mga duffel bag na umano’y naglalaman ng pera sa ilang indibidwal.

Ayon kay Palad, handa ang kanyang kliyente na tumestigo sa Kongreso, Senado, o Ombudsman kung siya ay ipapatawag.

Kasalukuyan din nilang sinusubukan makuha ang tatlong cellphone na hawak ng korte, na inaasahang naglalaman ng mga larawan at text messages na magpapatibay sa affidavit ni Madriaga.

Dagdag pa ni Palad, plano rin ni Madriaga na mag-apply sa Witness Protection Program ng Department of Justice dahil sa mga bantang natatanggap niya matapos magsalita laban sa Pangalawang Pangulo. (JCNE)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *