Thu. Nov 5th, 2026

Inamin ng beteranong kolumnista na si Ramon Tulfo na mali ang impormasyong natanggap at nailathala niya tungkol kay dating Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo na isa ito sa pinakanakakahiya at pinakamabigat na pagkakamali sa kanyang karera bilang mamamahayag.

Ayon sa kanya, “nakuryente” siya o nabigyan ng maling impormasyon na tinanggap niya bilang katotohanan.

Naging viral ang ulat na nagsasabing nakalalabas at nakababalik umano si Romualdez sa kulungan sa tulong ng ambulansya at mga planadong brownout upang hindi makita ng publiko.

Ngunit nang magsimulang lumabas ang mga beripikadong detalye, sinabi ni Tulfo na napatunayang walang katotohanan ang naturang kuwento at isa lamang itong gawa-gawang ulat.

“I goofed. No excuses,” ani Tulfo.

Iginiit niyang dapat ay masusi muna niyang sinuri at kinompirma ang impormasyon bago niya ito ibinahagi sa kanyang mga mambabasa. # (ROSE NOVENARIO)

By Web Dev