Thu. Nov 5th, 2026

Binati ng Liberal Party (LP) ang US Democratic Party kasunod ng naging tagumpay nito sa ginanap na 2026 midterm elections sa Estados Unidos.

Sa isang opisyal na pahayag, inilarawan ng LP ang pagkapanalo ng mga Demokratiko bilang isang “blue tsunami” matapos lumipat ang kontrol ng ilang estado.

Binigyang-diin ng partido na ang resulta ay patunay ng lakas ng “grassroots organizing” at pagkakaisa ng mga ordinaryong mamamayan.

Ginamit din ng LP ang pagkakataon upang manawagan ng katulad na pagkilos sa Pilipinas para sa darating na halalan.

“Tayo naman sa 2028, Pilipinas! Patuloy tayong mag-oorganisa at ipapanalo ang Sambayanang Pilipino,” anang partido sa kanilang pahayag.# (RRN)

 

By Web Dev