Tinuligsa ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang tatlong senador mula sa minority bloc na bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Sen. Erwin Tulfo.
“Justice and fairness went out of the window… Their motive may be deeper than personal issues against Sen Tulfo,” ani Lacson sa X na tinutukoy ang tatlong senador na bumoto pabor sa disqualification.
Sa botong 6-3 ay ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang mosyon para buhayin muli ang quo warranto laban kay Tulfo.
Ang orihinal na kaso, na tinabla noon pang Marso, ay nag-akusa kay Tulfo ng pagiging tapat umano sa U.S., hindi pagiging Pilipino, pagiging bahagi ng political dynasty, at kulang sa academic credentials.
Opisyal na sinabi ng SET na “without prejudice” ang dismissal, ibig sabihin puwede pang magsampa ng bagong kaso. Pero sa ngayon, nananatili si Tulfo sa puwesto—habang kumukulo ang intrigang tinawag ni Lacson na may “mas malalim na motibo.”
Sa Facebook, binunyag ni Atty. Jesus Falcis ang tatlong pangalan: Robin Padilla, Pia Cayetano, at Camille Villar—lahat pumabor sa pagpapatalsik kay Tulfo kahit sablay ang petisyon. # (RRN)