Wed. Oct 14th, 2026

Malaking palaisipan sa prosecution ang pagkalungkot at galit ng defense panel sa pagbawi nila ng tatlong artikulo sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

“Nagtataka nga kami sa prosecution, bakit sila sad? Bakit sila galit? Dapat happy sila kasi instead of four charges, isa na lang ipo-prove nila,” sabi ni private prosecutor Lorna Kapunan sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One News.

“They don’t have to present evidence on grave threats, they don’t have to present evidence on misuse of confidential funds, they don’t have present evidence on bribery kasi winithdraw na namin. Dapat happy sila kasi isa na lang ang charge against sa vice president: yun ang unexplained wealth,” dagdag niya.

Ayon kay Kapunan, ngayon lang siya nakakita ng respondent na kapag na-withdraw na ang kaso ay “very sad” pa.

Kaugnay naman sa pagbatikos ni VP Sara sa pagtawag niyang bully at bastos ang defense lead counsel na si Atty. Shiela Sison, hindi natinag si Kapunan.

“So, hindi na ko magcocomment sa sinabi ko na bullying kasi totoo naman eh. Binubully kami lagi pag gusto nila,” aniya.

Umalma rin siya sa pagtawag na aksaya sa pondo ng bayan ang ginawa ng prosecution sa impeachment trial.

“Ang nagpapahaba ng trial namin eh yung mga worthless, pointless na cross examination nila,” giit ni Kapunan.

“Sila ang nagwe-wasting time, ng government resources,” diin niya.# (RRN)

By Web Dev