Mon. Jul 8th, 2024

KUNG “tara” ang tawag sa lagay ng mga smuggler sa ilang tiwaling opisyal ng Aduana, “agenda” naman ang koda sa padulas sa ilang corrupt na empleyado at opisyal sa isang ahensyang nasa Intramuros.

Umaabot daw sa apat na milyong piso ang nakakalap na pondo sa isang araw para sa agenda na inire-remit sa hepe ng isang division ng naturang ahensya para i-maintain ang maluhong lifestyle nila ng kanyang kerida.

“Para hindi siya hiwalayan, pinatitiyak ni Lover Boy sa kanyang Secret-arya na makakalampag ang travel agencies para sumuka ng malaking halaga,” kuwento ng Chismosa sa Intramuros.

Madali raw makapag-raise ng pondo para sa agenda si Secret-Arya dahil tinatakot niya ang mga travel agencies na ibubulgar niya na fake requirements ang isinusumite kapag hindi nagbigay ng 25k each icard applicant.

“Kaya naman todo ang ligaya ni Lover Boy at kanyang chiching na katrabaho rin pala nila ni Secret-Arya dahil pare-parehong paldo ang kanilang bulsa,” kuwento ng miron sa Intramuros.

Ang hindi alam ni Lover Boy, dapat na siyang magsuot ng helmet sa rami ng bukol na natatamo niya kay Secret-Arya na mala-Donya Okara ang lifestyle.

Kasabwat daw ni Secret-Arya sa pambubukol ay isang nasangkot sa anomalya sa NAIA.

“Paano masasawata ang grupo kung ang kanilang Big Boss ay peke rin ang isinumiteng dokumento sa Palasyo para makapuwesto,” paismid na sabi ng Chismosa sa Intramuros.

CLUE:

Naging padrino raw ni Lover Boy sa kanyang puwesto ang ninong na dating mataas na opisyal ng nakaraang administrasyon.

Kahit dati siyang naka-sotana, likas siyang mahilig sa bebot.

Habang ang kanyang chiching ay katunog ng apelyido ng isang dating sikat na gambling lord sa Central Luzon.

Ang Secret-Arya naman niya ay nabaliw kay Lady Gaga.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *