TILA isang garapatang bundat na mahigpit ang kapit sa aso ang isang opisyal ng Palasyo.
“Vongga ang Garapatang Busog sa kanyang bagong car na inangkin lang raw sa kanyang opisina,” bungad na tsika ng Chismosa sa Palasyo.
Tama lang raw na tanggapan ang tawag sa kanyang opisina dahil matapos tanggapin ang car na donasyon ay pinalabas na personal na pagmamay-ari niya ito.
“Paano nailagay sa pangalan ni Garapatang Busog ang donasyon ay malaking kuwestyon,” sabat ng miron.
Malinaw na nakasaad sa Republic Act 6713, o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Section 7 (d) , “Public officials and employees shall not solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value from any person in the course of their official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of their office.”
“Kung kay Garapatang Busog talaga ang car, bakit ang tanggapan niya ang nagkakarga ng gasoline gayong may tinatanggap siyang Representation and Travel Allowance (RATA)?” usisa ng isa pang miron.
Kahit daw para sa RFID ay ayaw maglabas ng kuwarta ni Garapatang Busog.
Sa naudlot daw na rebranding event ay “nakahigop” si Garapatang Busog ng kalahating milyong piso na para sa tubig at t-shirt na ipamumudmod sana.
“Bakit nakakalusot ang kanyang mga kalokohan?” urirat ulit ng miron.
Mga letrang B-O-N-U-S daw ang kanyang panuhol sa taga-magic ng mga dokumento ng kanyang tanggapan.
CLUE:
Isa raw si Garapatang Busog sa tatlong magbubukid sa “troll farm” ng Bossing ng Bayan Mo.
Kulang na lang ay sumabit siya sa buntot ng eroplano sa tuwing may biyahe ang kanyang bossing.
“Nasa bucket list mo ba ang tourist spots sa Paris, France?” tanong ng Chismosa sa Palasyo.
‘Yun na!