Mon. Jan 26th, 2026

Galawang ‘first lady” na ang isang beauty queen (BQ) dahil sa ambisyon raw ng kanyang jowang politiko na asintahin ang Palasyo sa 2028.

Bida sa umpukan ng Las Chismosas BGC Chapter ang pagbubuhay reyna ng isang dating kandidata ng Pinas sa Miss Universe.

Tumatak daw sa pageant enthusiasts ang record ng Pinay beauty queen na bukod tanging hindi nakasungkit ng anomang puwesto sa Miss U sa nakalipas na mahigit isang dekada.

Sa kabila nito’y talbog naman ang lahat ng kontesera sa kanya sa tinatamasa niyang karangyaan sa “kortesiya” ng kanyang Papa Solon (PS) na ingglisero.

Marami ang nagtaka kung paano naging biglang yaman si PS mula sa pagiging isang simpleng tagapag-ulat ay naging bilyonaryo mula ng madikit sa isang kontrobersyal na gambling tycoon.

“Kung tawagin daw ni PS ang nire-remit sa kanyang cash mula sa gambling proceeds ay basura gaya nang isiwalat ni Orly Guteza sa Senado na ang code sa kuwarta ay basura,” chika ng isang miron sa umpukan ng Las Chismosas.

Maliban sa kontroberysal na gambling tycoon, naging kadikit din daw ni PS ang isang puganteng mambabatas pati ang ilang kongresista na dawit sa flood control at infra anomaly.

Tagilid sa ngayon ang mga inaasahang financier ni PS sa 2028 election bid kaya posibleng manatiling ilusyon na lang ni BQ ang maging unang ginang.

CLUE:

Iginarahe raw si BQ sa isang mamahaling condo unit sa BGC na kahit  sa panaginip ay mahirap mapagtanto kung paano nabili ni PS.

Pruweba ng pagiging paldo ni BQ, nag-donate daw siya ng P10-M sa foundation ng isang pamosong politiko sa Region 5.

“Si PS kasi ay gusto magmukhang pilantropo at dumikit sa politiko from Region 5 para iendorso siya sa 2028,” lahad ng pabidang Las Chismosas member.

Bago pa ikuda nina Zaldy Co at Guteza ang limpak-limpak na kuwarta sa maleta, pamilyar na si PS sa maletang may pera, dolyar nga lang at gusto sana niyang ipuslit palabas ng bansa noong araw kaya lang ay nabisto sa paliparan.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *