May kakaibang kapal ng mukha ang isang high government official (HGO) at masahol pa raw sa hao-shiao na media na humirit ng pabor sa isang diplomat para sa kanyang pamilya.
Nangyari raw ang nakakahiyang eksena sa meeting ng HGO at ng diplomat kamakailan.
Imbes unahin isulong ang interes ng bayan, walang kagatu-gatol na humirit daw ang HGO ng personal na pabor sa diplomat.
Fan pala ng BTS ang pamilya ng HGO kaya’t ang hiniling niya ay libreng ticket para sa concert ng sikat na K-Pop Group sa Seoul sa March 21.
Kasabay na iri-release ng BTS ang fifth comeback album na “Arirang” sa naturang concert kaya’t naglalaway ang mga kapamilya ni HGO na masaksihan ito ng live na, libre pa.
“Anong sagot ng diplomat?” sabayang tanong ng mga namanghang miyembro ng Las Chismosas K-Pop chapter.
“Isang matipid na ngiti, hindi pumayag, hindi rin tumanggi,” sagot ng bangka sa umpukan.
CLUE:
Ilang beses nang sumabit sa kontrobersya sa kuwarta ang tanggapan ng HGO.
Naging tampok din sa mga naging intriga sa buhay ni HGO ang “too close for comfort” daw na relasyon nila ng isang kapwa opisyal.
“Pagoda na akech sa mga chismax, vorlog muna ako,” wika nang papaalis na miron.
‘Yun na!