Thu. Feb 12th, 2026

Imbes matuwa, inis ang naramdaman ng ilang reporter sa ibinigay na aginaldo ng misis ng isang senador.

Mabuti na lamang raw at may isang eagle-eyed na journo na nakita na ang keso sa ipinamudmod na Christmas basket ng misis ng senator ay expired na pala.

Nataranta ang lahat sa nabisto ng journo kaya agad sinipat ang laman ng kani-kanilang basket at laking gulat nila na expired na nga ang lahat ng keso.

Ipinabalik nilang lahat ang keso sa opisina ng misis ng senador at nangako ang staff niya na papalitan ito.

CLUE:

Tila ipinaglihi sa ibon ang misis ng senador dahil sa tinis ng boses niya.

Pamoso ang pamilya ng kanyang mister, lalo na kapag kapalpakan sa serbisyo ng kanilang mga negosyo.

“Natataranta na ba sila dahil naukilkil na ang pamamayagpag nila sa flood control at iba pang infra projects?” tanong ng miron.

“May balita kasi na Prime Suspect ang senador at kanyang mga kapamilya sa mga iniimbestigahang mga anomalya,” tugon ng lider ng Las Chismosas sa Padre Faura.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *