Thu. Feb 12th, 2026

Hindi reporma ang ipinaprayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito’y palabas. Ang biglang pag-anunsyo na uunahin ng Kongreso ang Anti-Dynasty Bill, Independent People’s Commission Act, Party-list System Reform Act, at Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) ay hindi tanda ng tapang, kundi ng desperasyon.

Matagal nang isinusulong ng Makabayan bloc ang mga panukalang ito.

Sa katunayan, tatlong dekada nang binabalewala ang Anti-Dynasty Bill na nakasaad sa 1987 Konstitusyon. Ang party-list system, na dapat ay boses ng marginalized, ay matagal nang kinubkob ng mga mayayaman at political clans. Transparency bills gaya ng CADENA ay paulit-ulit na naisantabi. Ngayon, biglang ipinaprayoridad, hindi dahil sa paninindigan, kundi dahil sa krisis sa kredibilidad ng Pangulo.

“Kinailangan pa ng isang malalang krisis sa pulitika bago ginawang prayoridad ang mga ito ni Marcos,” diretsahang tinuran ni Renato Reyes Jr., pangulo ng Bayan

Malinaw ang mensahe, hindi kusang-loob ang hakbang, kundi survival tactic.

Ito ang tunay na larawan, isang Pangulo na nagtatakip ng sugat sa pamamagitan ng pampaganda.

Ang mga panukalang batas ay ginawang props para ipakitang may direksyon, kahit malinaw na wala.

Kung hindi maipasa ang makabuluhang reporma, lalong titibay ang imahe ni Marcos bilang isang “lame duck,” pangulong mahina, walang tapang, at nakatali sa interes ng mga dinastiya.

Gayunpaman, nakahanda ang Makabayan bloc na ipaglaban ang mga panukala sa committee hearings, plenaryo, at lansangan.

Ngunit kung ang Kongreso na dominado ng mga dinastiya ang hahawak ng kapalaran ng mga panukalang ito, malinaw na hungkag ang pangako ng Pangulo.

Sa huli, hindi reporma ang ipinapakita ni Marcos Jr. kundi ‘window dressing,’ pampalubag-loob sa taumbayan, panangga laban sa batikos, at patunay na ang kanyang pamumuno ay unti-unting nauupos.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *