Thu. Nov 21st, 2024

NAGING usap-usapan sa nakaraang biyahe ng mga taga-Palasyo sa San Francisco, California, USA ang isang opisyal na ilang beses pumalpak daw sa kanyang trabaho.

“Matuk mo ba na kinuha niya ang responsibilidad na mag-aasikaso ng pagkain para sa mga delegadong kasama, ‘yun pala ay wala siyang credit card,” halakhak ng Chismosang Balikbayan.

Ang siste raw, kumain ang ilang delegado sa isang restawran sa San Francisco na hosted ng isang kagawaran ng gobyerno ngunit ang opisyal na may tokang magbayad ng kinain, wala palang credit card.

Ang resulta, nakiusap siya sa isang delegado para magamit ang credit card nito para ipambayad sa bill sa restaurant.

Nagtataka ang mga sidekick ng Bossing ng Bayan Mo kung saan nilagay ng Opisyal ang budget na ipinahawak sa kanya kung wala siyang credit card o kaya ay bakit wala siyang dalang cash?

Nabayaran naman daw ni Opisyal ang delegado pero maraming sanay na sa mga biyahe ng pangulo ang napakamot sa ulo sa “utangan” naganap sa restawran.

“Natakot kami baka paghugasin kami ng pinggan sa resto,” kuwento ng Chismosang Balikbayan.

Sumablay raw ulit si Opisyal ng hindi niya naasikaso ang pagliipat ng mga bagahe ng mga delegado sa isang van na bubuntot sana sa Bossing ng Bayan Mo.

Ang resulta, naiwan sa convoy papapuntang airport ang sasakyan ng mga delagadong “care of” ng Opisyal.

Naghintay raw sa airport ang Bossing ng Bayan Mo ng halos 20 minuto para makompleto ang mga delegadong kasama niya sa eroplano patungong Los Angeles.

 CLUE:

Hndi bihasa si Opisyal na mag-asikaso ng mga delegado lalo na’t trabaho ito ng mas mababa ang ranggo sa kanya na mukhang “nasulot” ng ilang gustong makarating sa lupain ni Uncle Sam.

Hindi raw kasi biro ang per diem ng bawat taga-Palasyo na kasama sa biyahe dagdag pa ang experience na makatapak sa Amerika.

Dati raw nagkaroon ng kaugnayan sa government-owned station ang Opisyal pero naitalaga sa isang sensitibong posisyon sa Palasyo sa tulong ng yaya ng Bossing ng Bayan Mo.

“Bakit KAYA hindi niya pinag-aralan ang trabaho bago sumabak sa SanFo?” sabat ng miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *