Thu. Nov 21st, 2024

MAY bagong kalakaran daw na tila epidemyang tumama sa ilang opisyal ng Palasyo.

Napapansin na raw ng mga empleyado ngayon sa Malacañang ang pag-aabuso ng ilang opisyales na sinusundo mula bahay papasok ng opisina at vice versa, pati mga miyembro ng kanilang pamilya.

“Bakit iisa na ba ang apelyido ng mga amuyong ng Bossing ng Bayan Mo?” tanong ng Chismosa sa JP Laurel.

“Dison as in ‘Disondo’t hatid ba ang ibig mong sabihin?” natatawang sabat ng miron.

Maraming piloto na pala ang malapit nang igupo ng sakit dahil sa laspag ang katawan at isipan nila sa trabaho.

Puyat at pagod ang reklamo raw ng mga tsuper na imbes na maghahatid lang mula opisina hanggang ibang tanggapan or ibang official function/business sa kanilang amo, pati ang mga anak at asawa ng mga boss ay hatid-sundo rin nila.

“Ginagawang personal driver na ang ibang mga piloto ng mga abusadong tao ng Bossing ng Bayan Mo” sabi ng Chismosa sa JP Laurel.

Malinaw sa mga patakaran ng Department of Budget and Management at Commission on Audit na kung may travel allowance (TA) sa RATA o representation and travel allowance na kinukubra ang isang opisyal mula sa kaban ng bayan, hindi na siya dapat sunduin at ihatid ng driver ng ahensyang kanyang kinabibilangan.

Mas lalong bawal na ang driver ng government agency ay gamitin ang serbisyo ng mga kaanak ng kanyang boss.

CLUE:

Malapit sa ‘kusina’ ang lahi ng mga “Dison” sa Palasyo .

Ilan sa kanila’y mga landlord sa ‘troll farm’ ng Bossing ng Bayan Mo na tila nahipan ang mga ulo nang maluklok sa puwesto.

Madalas din daw silang karay-karay sa mga biyahe ng Bossing ng Bayan Mo para makakubra ng malaking per diem.

“Hindi ba kalahi ng Japanese Imperial Army ang kanilang lider-lideran?”

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *