Sun. Nov 8th, 2026

Nanawagan si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen sa Korte Suprema na higit na pangalagaan ang karapatang bumoto, matapos tutulan ang mga probisyon ng Republic Act No. 12326 na nagpapaliban sa barangay at SK elections.

“I urge this Court to do better and protect the sacred fundamental covenant of suffrage. We owe the people that much,” ani Leonen sa kanyang concurring and dissenting opinion.

Hindi tinututulan ni Leonen ang mismong pagtatakda ng limang taong termino. Ang kanyang pagtutol ay nakatuon sa pagpapaliban ng halalan at paglalapat ng bagong termino sa mga kasalukuyang nakaupo.

“The elections should continue as scheduled. The new five-year term of office should apply to the next elected officials, not the incumbents,” giit niya.

Ibig sabihin, dapat matuloy ang halalan sa dating iskedyul at sa mga susunod na mahahalal lamang ipatupad ang bagong termino.

Gayunman, pinagtibay ng mayorya ng SC ang constitutionality ng batas sa desisyong isinulat ni noo’y Associate Justice Rodil Zalameda.

Ayon sa mayorya, pangunahing layunin nito ang pagtatakda ng termino, at bahagi ng pagpapatupad ang paglalagay ng susunod na halalan sa Nobyembre 2028.

Hiwalay na opinyon ni Leonen ang kanyang pagtutol; ang pasya ng mayorya ang umiiral na desisyon ng Korte.# (TAMM QUIBRAL)

By Web Dev