š·: Health Alliance for Democracy | FB
Mariing kinondena ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang umano’y tatlong taon ng panlilinlang, pagbebenta, at pagbitin sa mamamayang Pilipino pagdating sa serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Matatandaang sa unang State of the Nation Address (SONA) noong 2022, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na prayoridad ng kanyang pamahalaan ang kalusugan ng mamamayan.
Subalit, ayon sa HEAD, taliwas ito sa kasalukuyang kalagayan ng PhilHealth kung saan tinanggalan ito ng P89 bilyon na pondo at inalis ang alokasyon para sa taong 2025.
āIto ay malinaw na pagtalikod sa pangakong serbisyong pangkalusugan. Ginamit ang pondo ng PhilHealth para sa mga pork barrel-like na proyektoālabas sa mandato nito,ā pahayag ng HEAD.
Anila, ang nasabing pondo ay dapat ibalik sa PhilHealth upang mapababa ang premium contributions at mapalawak ang benepisyo ng mga miyembro.
Binatikos din ng HEAD ang pag-abuso sa kapangyarihan ng mga nasa puwesto, na ginagatasan ang PhilHealth sa pamamagitan ng ibaāt ibang uri ng korupsiyon. Sa kabila nito, nananatiling kulang ang benepisyo at mataas ang singil sa serbisyo, kahit regular ang hulog ng miyembro.
āAng kalusugan ay karapatan, hindi pribilehiyo,ā giit ng HEAD. āSa halip na ipasa sa taumbayan ang responsibilidad, tungkulin ng gobyerno na tiyaking libre, kumpleto, at de-kalidad ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.ā
Nanawagan ang HEAD sa publiko na huwag manahimik sa harap ng kapabayaan. Hinihikayat din nila ang pagsusuri, imbestigasyon, at pananagutan sa mga nailantad na katiwalian sa loob ng PhilHealth. (ROSE NOVENARIO)