BELATED birthday gift. Advance Father’s Day present.
Ito ang pinaghalong (as in 2 in 1) regalong natanggap ni Albie Casiño kamakailan lang.
Albie turned 31 last May 14, several days before naging isa siyang ganap nang ama.
Nito ngang June 10, bumiyahe ang aktor sa San Francisco to finally meet Roman Andrew, ang kanyang anak sa Pinay ring si Michelina.
Tinapos lang ni Albie ang pagsasaere ng kinabilangan niyang Can’t Buy Me Love as he couldn’t wait to see his baby boy.
Magaling ding magsikreto si Albie. All along, nobody knew he got his girlfriend pregnant.
Tanging si Darren Espanto lang ang nakakaalam ng lihim ng aktor dahil he’s in constant communication with the child’s mom.
Upon arrival at the SanFo airport, very evident ang kasiyahan ni Albie lalo’t hawig daw ang bata sa kanya.
Roman Andrew is the first grandchild of Albie’s parents at unang apo rin sa tuhod.
Ang tanong: kasama na rin bang babalik sa Pinas ni Albie ang kanyang mag-ina, or will he extend his stay in the US and come home na lang kung may trabahong naghihintay sa kanya?
Excited ngang post ni Albie while aboard a car from the airport: “The world is yours, little man!”
Hindi pa man, stage dad na agad ang peg?
XXXX
Masusubukan ang powers ng ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung makukumbinsi niyang mag-stage ng TV comeback ang dalawang sikat na “A.”
Ang tinutukoy namin ay sina Angel Locsin at Andi Eigenmann.
Balita kasing recently ay dumalaw ang kung tawagi’y si Tita Cory in showbiz circles sa bahay ni Angel at mister na si Neil Arce.
Naabutan pa nga raw ni Tita Cory si Angel while doing the dishes.
Obyus naman ang pakay ng lady exec: himukin si Angel na magbalik na.
After all, how long has Angel been away from the limelight?
Common knowledge that Angel is enjoying her domesticated life.
Ito rin ang dahilan why she has laid low in social media. Kahit nga raw mobile phone ay hindi siya humahawak.
But the good news is that, successful naman daw ang ginagawang pagpapapayat ni Angel.
‘Yun kaya ang dahilan ng pangungulit ni Tita Cory sa kanya?
As for the other A who is Andi, tinesting din daw ni Tita Cory kung uubra ang kanyang bertud.
In-assure daw kasi ang aktres that should she decide to return ay nariyan lang ang network waiting on the wings.
Common knowledge din na mas pinaboran ni Andi ang Siargao life over showbiz and modern city life as a whole.
Mukhang between the two A’s, mas posibleng maunang magbalik-showbiz si Andi.
Nais daw niya kasing ipagpatuloy ang naiwang legacy ng kanyang yumaong ina.
But ultimately, ang tanong: kailan? Baka naman it will take all of eternity!