Thu. Sep 19th, 2024

Nainterbyu ng “Showbizt2han” si Kelvin Miranda noong Linggo ng hapon bago siya nagpunta sa block screening ng kanyang pelikulang “Chances Are, You And I,” katambal si Kira Balinger.

Ibinahagi niya sa amin ang pagsisimula niya sa showbiz, mga hirap na pinagdaanan.

Ayon sa kanya, ang mga magulang at ate niya ang nagtulak sa kanya para pasukin ang mundo ng showbiz.

Syempre, sino ba namang hindi makakakita ng potential sa anak at kapatid mo masusuportahan ka niyan, pamilya ka niyan,eh, so medyo hindi ako ganoon naniniwala pero syempre sinubukan ko pa rin baka sakaling mayroon akong alam mo ‘yon, pagkakataon pero hindi pa ako agad nag-ano noon. Seryoso talaga ako hinintay ko lang talaga ‘yung time na may mga opportunities na dumating bago ko sunggaban. So ayun, hanggang nakilala ko na si sir Tyrone (manager niya ngayon) dahil sa ate ko. Common friend hanggang sa sinubukan namin mag-audition nang mag-audition sa kung saan-saan. Extra dito, subok sa ganito, mga ganoon hanggang sa mga reenactments na ginanap GMA. Doon ako nag-start na magseryoso kasi parang na-enjoy ko na umarte. Hanggang ngayon sila pa rin ang kasama ko, hindi pa naman ako nag-iiba ng management.” mahabang kuwento niya.

Masaya kami para kay Kelvin dahil nagbunga na rin ang kanyang pagtitiyaga. Bida na siya sa pelikula at TV at marami pang naka-line up na pelikula at teleserye na gagawin.

“Ako naman po hindi natin masususukat ‘yung kaligayahan mo, once na naabot natin ‘yung mga bagay na napatunayan natin sa mga sarili nating kakayahan. Syempre lagi naman tayong thankful sa Itaas sa ating Panginoon dahil sa patuloy na pagbibigay na opportunity syempre ganoon na rin sa mga challenges sa buhay. Masaya tayo na nao-overcome natin lahat ‘yon even na success, na challenges minsan ganoon na rin ‘yung pagkatalo. Mas masaya ngayon sa narating ko dahil sa suporta sa akin ng tao at suporta sa akin ng mga kaibigan at pamilya ko.”

Ano yung mga nabago sa buhay na hindi na niya nagagawa ngayong isa na siyang Sparkle Artist?

“Ang nagagawa ko dati eh ‘yung alam mo ‘yon, madalas kong kasama ‘yung mga kaibigan ko kahit saan kami magpunta kahit anong oras umuwi pwede yun. Pero ngayon hindi na pwede ‘yung ganoon. Ngayon eh dahil marami na tayong obligations and responsibilty bilang isang tao. Hindi lang bilang isang tao ganoon na rin bilang isang artista. Syempre mayroon kang pinangangalagaan, mayroon kang mga commitments na naka-schedule so kailangan pangalagaan mong mabuti ‘yan kasi kapag hindi mo ‘yung pinriority syempre mawawalan ka rin ng pagkakataon para mailukllok kung nasaan ka ngayon ‘di ba?” pahayag pa ng aktor.

Box office or Award?

“Syempre parehas gusto ‘yan, parehas beneficial sa’yo eh. Syempre doon tayo sa box office, doon din tayo sa award pero para sa akin is, para pare-parehas at lahat masaya eh doon tayo sa box office. Kasi ang hangarin ko talaga is isa ako sa mga tumutulong para ilunsad o isulong ulit ang Pelikulang Pilipino kasi alam naman natin na talagang namamatay na ‘yung pagpepelikula eh so, isa ako sa mga tao na gusto ulit ‘yon mabuhay kasi ibang klase ang pelikula, ibang klase ang entairtainment once na nabuhay natin ‘to ulit ‘di ba.” seryosong sabi pa niya

Malaki na ang ipinagbago ni Kelvin. Hindi lang sa pag-arte kundi pat sa pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya. Nakasasagot nang maayos. Malalim at may laman.

Kelvin is indeed a man of substance.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *