Thu. Sep 19th, 2024

Bukod sa kanyang pamilya, one of the next closest people to Paolo Contis would be his manager Lolit Solis.

Dito maaaring mag-open up ang aktor even on matters of the heart.

Pero this is not what seems to be nang tanungin si Lolit ng isang malapit na reporter.

Ano raw ba sa pagkakaalam ni Lolit ang estado ng lovelife ng kanyang alaga?

Public knowledge na ang nobya ni Paolo sa kasalukuyan ay si Yen Santos.

Of late kasi, news about Yen’s taking down her photos with Paolo on Instagram fueled speculations na break na sila.

Consistent si Paolo sa kanyang “No comment!” reply.

Aniya, he’d like to keep his personal life personal. Masyado na rin daw maraming nalalaman ang tao tungkol sa kanyang pribadong buhay which should not be the case.

Lolit would be the best person to talk to as to the extent ng kanyang nalalaman about her ward’s personal goings-on.

Pero bigo ang reporter.

Flatly, sagot ni Lolit ay clueless siya.

Pero kung totoo raw na break na sila, Lolit can only make a wild guess: “Baka nagkasawaan na!”

To us, parang napakaaga namang nagkasawaan ang couple na dapat sana’y ginigiyang sa isa’t isa, that is, if Lolit’s assertion holds water.

Basta naninindigan si Lolit na hindi siya naniniwalang it’s the end of the road for Paolo and Yen.

“Maniniwala lang ako pag galing na kay Paolo!” sey niya.

Ito ang punto de vista mula sa showbiz nanay ng 40 anyos na aktor.

But wait, how about coming from Yen’s mother Lilian herself?

As far as she knows ay hanggang saan ang kanyang nalalaman tungkol sa lovelife ng kanyang anak?

Lilian’s side of the story is far more revealing.

Base na rin ito sa kuwentong ibinahagi ng kaibigang Jobert Sucaldito sa kanilang online show–ang OOTD with direk Chaps Manansala.

For starters, hindi magkasama ang mag-ina sa iisang bahay.

Lilian is based in Cabanatuan City, Nueva Ecija dahil sa kanilang negosyo.

May paupahang building sila roon and Lilian oversees it.

Samantala, nasa Maynila at nakikipisan daw si Yen sa tiyahin nito.

But then, hindi dahilan ang geographical distance para hindi malaman ni Lilian ang mga kaganapan sa kanyang anak.

Sa convo between Jobert at Lilian ay diretsahang tinanong ng una kung totoo nga bang split na sila ni Paolo.

“‘Nay (tawag ni Lilian kay Jobert), pati ba naman ikaw, eh, naniniwala?” nagtatakang buwelta ng ina ni Yen.

Doon na ipinagtapat ni Lilian na hindi nga niya alam kung saan at paano nagsimula ang tsismis tungkol sa dalawa.

Lilian stands her ground na dahil nanay siya ay alam niya ang nangyayari kay Yen.

So, ano ba talaga ang alam niya?

“Hindi naging sila!” prangkang sagot nito, na siyempre’y ipinagtaka na lang ni Jobert.

Ipinaubaya na lang ni Jobert sa kanilang mga OOTD viewers ang “judgment call” based on Lilian’s version.

Kung naimposiblehan na kami sa sinabi ni Lolit na wala siyang alam kung sina Paolo at Yen pa ba, sampung beses kaming naloka sa version ni Lilian!

May kasabihan ngang “Mother knows best,” but aren’t mothers often the last to know?

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *