Sat. Nov 23rd, 2024
LARAWAN: mula sa GMA Integrated News Facebook page

 

NAGBOLUNTARYO ang ilang guro mula sa Quezon, Palawan na maitalaga sa Pag-asa Island Integrated School na matatagpuan sa Kalayaan Island Group na pinalilibutan ng foreign vessels ang karagatan.

Sa ulat ng GMA Integrated News, sinabi ni Eunice Grace Cabitac, isa sa mga guro sa paaralan, umaasa silang ang mga mag-aaral sa lugar ay magiging matagumpay sa pipiliiin nilang larangan at balang araw ay magsilbing mga pinuno.

“Malayo man kami sa pamilya, pero masaya kami na nakikita namin ‘yung mga estudyante na natututo sila habang nandito kami aniya sa report ng “24 Oras Weekend” kahapon.on Sunday.

“Siguro, hopefully, magagamit kami sa kanilang pag-aaral na mai-ano ang aming kakayanan,” dagdag niya.

Ang paninindigan ng mga guro na manatili at magsilbi sa Kalayaan Island Group ay taliwas sa 2016 campaign promise na napako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sasakay ng jet ski at pupunta sa isla upang itanim ang bandera ng Pilipinas.

“Panahon ng kampanya ‘yan. ‘Yung biro na yung, we call it bravado. ‘Yung bravado ko was pure campaign joke and kung naniniwala kayo sa kabila, I would say that you are really stupid,” sabi ni Duterte noong 2021.

Ang Pag-asa, may sukat na 37.2 ektaraya, ay ang pinakamalaking isla sa Kalayaan Island Group na mas kilala bilang Spratly, ay 277 kilometro ang layo mula sa Puerto Princesa sa Palawan.

May 83 mag-aaral at 2 silid-aralan sa Pag-asa Island Integrated School sa kasalukuyan at inaasahang madaragdagan pa dahil sa pagdating mga residente sa isla.

Binuntutan ng isang Chinese Navy ship ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels habang patunto sa Pag-asa Island para sa isang maritime patrol mission at marine scientific research noong nakalipas na linggo.

“Pag-asa belongs to the Philippines, so regardless of whether they’re there or they’re not there, we still have the sovereignty rights to do this kind of scientific research that falls within the waters in Pag-asa Island,” ayon kay PCG West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *