IPINAHAYAG ng Kabataan Partylist, kasama ang youth leaders at mga organisasyon, sa pamamagitan ng BINI-inspired fashion show ang mga pangunahing isyu na sasagupain ng mga Kabataang Pinoy.
Itinatampok ng mga ito ang mga karaniwang karanasang nakaugat sa mabigat na sistematikong mga patakaran:
BINI-bigo ang kinabukasan
BINI-bira ng taas-presyo
BINI-benta sa dayuhan
BINI-bigatan ang singil
BINI-bilog ang utak
BINI-bitin ang budget
BINI-bitbit sa gera
BINI-bigwasan ng estado
BINI-bilad sa krisis pangklima
BINI-bihag ang kalayaan
Matapos rumampa sa runway ng isang beses, sinira ng mga modelo ang suot nilang garbage bag couture, bilang simbolo ng pagbasura sa mga suliraning panlipunan at ang luma, bulok na politika ng mga elitista – ang mga puwersa ng ‘kadiliman’ at ‘kasamaan’, para ipakita ang BINI-fied outfits at icons na kumakatawan sa 10-point youth agenda.
Ang transpormasyon ng mga modelo ay nagsisilbing inspirasyon para harapin ang mga hamon sa kabataan at kolektibong maigpawan ang naturang mga problema at umusbong ang sariwa, militante, progresibo at mas maayos na kinabukasan.#