Sun. Nov 24th, 2024

đź“· Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel

NAKASUSUKA ang pag-absuwelto ng Sandiganbayan kina Chef Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, dati niyang Senate chief of staff Gigi Reyes at negosyanteng si Janet Lim Napoles sa P172.8 milyong plunder case kaugnay sa pork barrel scam noong 2013.

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, ang desisyon ng anti-graft court ay isang sampal sa mga kabataan at estudyante na bumuhos sa lansangan para iprotesta ang pork barrel system mahigit sampung taon na ang nakararaan

“Nakakasuka! Ganito pala ang mangyayari nearly 10 years matapos magprotesta ang mga Pilipino laban sa pork barrel system. Sampal ito sa aming mga kabataan at estudyante na lumaban sa lansangan at iba pang espasyo noong 2013 at 2014 para ilantad ang sistematikong korapsyon sa gobyerno,” ani Manuel.

Ngayon aniyang nakapuwesto si Enrile bilang chief legal counsel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naging mas maparaan ang administrasyon sa pagpapairal ng pork barrel system.

“Si Enrile ngayon ay chief legal counsel pa ng nakaupong pangulo. No wonder mas innovative pa ang Marcos Jr admin pagdating sa pork barrel.”

Inilitanya ni Manuel ang mga pagpapaikot ng administrasyong Marcos Jr. sa publiko upang maipagpatuloy ang pork barrel sa iba’t ibang anyo.

“Lumalaki ang SOP o kickback sa infrastructure projects. Mas malaking pondo ang hinihingi para sa NTF-ELCAC barangay development program na maituturing na general’s pork. Ayaw bitawan ni Marcos Jr ang Confidential and Intelligence Funds ng kanyang opisina na siyang pinakamalaki sa lahat ng ahensya ng gobyerno,” giit ni Manuel. “Pinapalobo pa ng Marcos Jr admin ang Unprogrammed Appropriations o daan-daang bilyong special budget. Ito ay presidential superpork dahil nakasentro sa pangulo ang pagdedesisyon sa kung aling mga proyekto ang popondohan at saan kukunin ang pondo (halimbawa, PhilHealth “excess” funds),” dagdag niya.

Wala talaga aniyang bago sa tatak na “Bagong Pilipinas’ ng administrasyong Marcos Jr dahil buhay na buhay ang pork barrel system hanggang sa ngayon at lumalaki pa.

“The pork barrel system is very much alive until now because the Marcos Jr admin is feeding it more and more. Wala talagang bago sa Bagong Pilipinas.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *