Thu. Nov 21st, 2024


IPATUTUPAD ng Commission on Elections (Comelec) ang online voting para sa overseas Filipinos sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na pinahihintulutan ang Comelec na isakatuparan ang iba pang uri ng pagboto maliban sa in-person at sa pamamagitan ng mail.

“So whatever the Comelec will be doing, we will be reporting to Congress on the update on the process nitong pangatlong mode ng voting,” ani Garcia.

Ngunit kailangan magparehistro muli ang mga Pinoy sa abroad para makaboto sila online sa eleksyon sa susunod na taon.
Itinakda ang online voting para sa 2025 midterm elections 75 bansa.Umabot sa 17 bansa ang hindi pinayagan ang online voting, kabilang ang Russia, China at Israel, na kailangan magpunta sa mga embahada ang mga botanteng Pinoy.

Umaasa ang Comelec na walang maghahain ng petisyon sa Korte Suprema para tutulan ang online voting. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *