Thu. Nov 21st, 2024
Akbayan Party president Rafaela David

NAKABIBINGI ang katahimikan ni Vice President Sara Duterte sa tumitinding marahas na pag-atake ng China sa mga Pinoy frontliners sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Akbayan Partry president Rafael David na lubos na nakapagtataka na aktibong ipinagtatanggol ni Duterte ang doomsday evangelist na si Apollo Quiboloy, na nahaharap sa mga akusasyon ng pagkakasalang sekswal pero napakatahimik niya sa matinding pang-aabuso ng China laban sa mga mangingisdang Pilipino at frontliners.

Partikular na nakaaalarma aniya ang pinakabagong aksyon ng pagsalakay ng China: isang marahas na pag-atake ng water cannon laban sa isang supply vessel ng Pilipinas malapit sa Ayungin Shoal noong Sabado, na nagresulta sa pagkasugat ng ilang Filipino frontliners.

“It’s bewildering how Vice President Duterte can find the time and energy to defend a disgraced figure like Quiboloy, yet remains eerily silent when our own countrymen and women are under attack by a foreign aggressor. Is her allegiance to justice selective, or does she simply lack the courage to stand up to China? Either way, it is despicable,” ani David.

“Talaga bang kontrabida na ang napiling papel ng mga Duterte sa ating bansa? Sadya bang ‘made in China’ ang puso ni VP Sara? Kaya niyang ipagtanggol ang isang akusadong rapist at human trafficker, ngunit pipi, bulag at bingi siya sa pang-aapi na dinadanas ng ating mga kababayan sa kamay ng Tsina sa West Philippine Sea,”dagdag niya.

Ang Akbayan ang demokratikong sosyalistang partidong pampulitika ni Senador Risa Hontiveros.

Hinamon ng Akbayan si Duterte na basagin ang kanyang pananahimik at manindigan laban sa mga paglabag ng China sa soberanya ng Pilipinas at integridad ng teritoryo.

“The deafening silence of Vice President Duterte speaks volumes about her priorities. While she rushes to the defense of the morally questionable, she turns a blind eye to the plight of Filipinos facing aggression in our own waters. It’s time for VP Sara to show some courage and defend our sovereignty, rather than seeking refuge in a traitorous silence that betrays the trust of the Filipino people,” giit ni David. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *