MAY pag-asa pa ang bayan.
Kung sawa na sa walang hanggang pangako at pandarambong ng mga trapo (traditional politicians), ito na ang tamang panahon para pumili ng tunay na mga kinatawan ng ating sektor sa Senado.
Sa kanyang paskil sa X (dating Twitter) ay ipinakilala ni Koalisyong Makabayan campaign manager Renato Reyes Jr, ang kanilang mga kandidato para sa Senado sa 2025 midterm elections na handang ipagtanggol ang mga karapatan at kapakanan ng mga batayang sektor ng lipunan.
“Sa halip na Villar na real-estate developer, Danilo Ramos, magsasaka
Sa halip na Bong Go “malasakit”, Nars Alyn Andamo
Sa halip na pulis, Mek Lidasan, human rights defender
Sa halip na corrupt, France Castro na galit sa ugaling pusit
Sa halip na pa-macho, Arlene Brosas na Gabriela
Sa halip na dynasty, Teddy Casiño , kalaban ng dynasty
Sa halip na negosyante, Jerome Adonis, manggagawa
Sa halip na dating MMDA, Mody Floranda, tsuper
Sa halip na pabigat sa bayan, Mimi Doringo, maralitang nagbabanat ng buto
Sa halip na tuta ng dayuhan, Ronnel Arambulo, mangingisda, magtatanggol sa West Philippine Sea
Sa halip na kurap at elitista, maza naman, Liza Maza.
Kung sawa na kayo sa pare-parehong apelyido na walang ambag sa bayan, subukan naman natin ang Makabayan.
May choice tayo. #TaumbayanSaSenado” (ROSE NOVENARIO)