Fri. Nov 22nd, 2024

📷Salome Salvi

NANINIWALA ang sexy actress na si Salome Salvi na dapat respetuhin ang mga “sex worker” na tulad niya dahil trabaho lang naman ito at walang kinalaman sa kanilang pagkatao.

“I think with all kinds of sex work mayroong stigmazation kaming nae-experience. People think we don’t deserve dignity, respect because of our work because pinapakita namin ang katawan namin. That’s the biggest misconception I think. Dapat baguhin ng mga tao yun,” sabi ni Salome sa panayam sa pep.ph kamakailan.

“I believe sex work is work. I know in myself, the way that I look at myself, I know I deserve respect.Parang I will always challenge people who disagree on that,” dagdag niya.

Para kay Salome, trabaho lang ang lahat, walang sangkot na personal na damdamin sa kanyang mga naging kapareha.

“I try to be friends with them as much as possible. Kasi yung trabaho namin it requires us to be intimate to each other. It requires us to share with each other, so we need to have chemistry with the person,” sabi ni Salome.

Ni minsan aniya ay hindi siya na-in love sa kanyang katambal.

“Walang ganun. Nagkaroon nga ako ng katrabaho recently we had to stop working with each other kasi nagka-girlfriend siya. Prior to that, we were working with each other for three in a half years so ang dami na naming nagawang mga videos,” lahad ni Salome.

“Sa three years na yun I’ve never developed any feelings for him. I know him as a good friend, I’m very affectionate to him, but I never thought of having a relationship with him. Trabaho lang talaga and that’s something highly agreeable,” wika ng sexy star.

Aminado siya na may mga nambastos na sa kanyang mga lalaki lalo na sa ilang lugar na kanyang pinuntahan.

Mabigat para sa emosyon niya ang naturang mga karanasan lalo na’t batid niya na may karapatan siyang igalang bilang isang indibidwal.

“Marami, palaging may nagtatangka na i-cross yung boundaries kasi people have this idea na, not [just] celebrities, even [other] public figures, [ang] pagtingin nila parang public properties. Feel nila, like, puwede akong akbay-akbayan nang di nagpapaalam, laging may ganun.”

“Marami akong nae-experience na ganun lalo na sa mga club. Mahirap din, mahirap maging matatag kasi palagi kong nae-experience yung ganun. As much as possible, ayoko sanang mag-cause ng gulo, but sometimes it really distresses me.”

“I hope it’s understandable kasi mabigat siya, it’s emotionally laborious.Parang ano na lang, I find strength on myself na kaya kong mahalin ang sarili ko at kaya kong dalhin ang sarili ko in a respectable way.”

Graduate ng kursong Fine Arts sa University of the Philippines si Salome bago sumikat sa  Vivamax movies tulad ng Ahasss at Kitty K7, at sa kasalukuyan ay bahagi ng cast ng Kapuso prime-time series na Black Rider. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *