Fri. Nov 22nd, 2024

Kaabang-abang kung sino sa apat na movie queens na magsasabong – sina Star for All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo), Megastar Sharon Cuneta (Family Of Two), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes), at Superstar Nora Aunor (Pieta) – ang tatanghaling Movie Actress of the Year sa 40th Star Awards for Movies ng PMPC.

First time mangyayari sa Star Awards for Movies sa loob ng 40 taon ng pagbibigay ng parangal na magkakasabay na nominado para sa Movie Actress of the Year sina Vilma, Sharon, Maricel, at Nora kaya matinding bakbakan ito.

O baka naman posibleng masilat pa ang parangal ng iba pang nominadong aktres na kinabibilangan nina Gina Alajar (Monday First Screening), Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind).

Maglalaban naman para sa Movie Actor of the Year sina Christopher De Leon (When I Met You In Tokyo), Dingdong Dantes (Rewind), Piolo Pascual (Mallari), Coco Martin (Apag), Alden Richards (Five Breakups And A Romance), Cedrick Juan (Gomburza), Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Romnick Sarmenta (About Us Not About Us), Sean De Guzman (Fall Guy), at Alfred Vargas (Pieta).

Bukod sa aabangang magwawagi sa iba’t ibang kategorya, espesyal ang magiging selebrasyon ng PMPC ng ika-40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies kaya naman apat na tinitingalang mga artista ang pararangalan ng Dekada Awards – sina Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon, at Piolo Pascual.

Napili ang apat na Dekada Awardees based on the most number of Acting Awards won in the 40 years of Star Awards for Movies (Top 2 for actors, Top 2 for actresses).

Igagawad ang Lifetime Achievement Awards sa dalawang haligi ng Philippine showbiz na sina
veteran actress Liza Lorena (Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award) at veteran movie producer Vic del Rosario Jr. (Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award).
Kikilalanin bilang Takilya King and Queen sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa record-breaking success ng pelikula nilang Rewind.

Bibigyang-parangal ng Ethel Ramos Dean’s Lister Award ang veteran columnist at dating PMPC President na si Ronald Constantino dahil sa malaking ambag niya sa club at maging sa industriya.

Ang 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Maribeth Bichara.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *