Sun. Oct 6th, 2024

Nakakaloka ang trending issue ngayon sa “It’s Showtime” segment “Expecially For You” dahil sa usapin tungkol kay Christine at Axel.

Marami ang paniguradong nakapanood at nag-react sa tangkang ‘pag-beso’ ni Axel kay Christine na hawak ang kamay ng dalaga, subalit bago pa man makalapit ang mukha niya ay iniwas na agad ang pisngi nito. Mabilis na napansin ni Vice at ng mga hosts ang tila discomfort na reaksyon ni searchee sa nangyari, kaya naman agad na sinaway ni Vice si Axel gamit ang mikropono: seryosong tono ng boses

“You don’t do that!, dapat nagpa-paalam ka muna, pwede kang mademanda….” Sabi ni Vice.

Marami ang nakapanood sa pangyayari, kaya naman  mabilis na inulan ng batikos si Vice sa kanyang ginawang pag ‘call out’ kay Axel.

Hindi daw tama ang pamamahiyang ginawa ng host kay searchee habang naka-ere pa ang programa.

Lumutang din sa social media ang tsika ng netizens na ayon sa kanilang obserbasyon na kapag ang lalaking searchee ay walang itsura sinasaway bumeso, samantalang ang mga guwapo ay malayang nagagawa ito.

Ang sumunod naman na usap-usapan ay ang viral Tiktok video ni Christine, kung saan makikitang nagsasabi ito na hindi naman daw siya nakaramdam na na-violate ni Axel sa tangkang pagbeso nito.

Kaya naman nang makarating ito kay Vice, agad siyang nag post sa ‘X’ na handa siyang mag-sorry kay Axel sa nangyari.

Subalit nagulat nalang ang lahat sa sumunod na episode ng “It’s Showtime”, bago matapos tahasang ipinahayag ni Vice kasama ang lahat ng co-hosts na binabawi niya ang planong apology kay Axel matapos makausap ng production staff ang dalawa Christine at Axel. Ayon sa dalaga, totoong nakaramdam siya ng violation mula kay Axel nang sandaling iyon. Kaya naman

ito ang naging basehan upang maging matibay ang konklusyon ni Vice at ng mga hosts na  tama ang ginawang pagsaway kay searchee[habang nasa ere matapos nilang makita ang reaksyon ni searcher sa tangkang pagbeso sa kaniya, pagpapakita rin daw ito ng agarang proteksyon kay Christine na sa tingin nila ay natapakan ang karapatan.

Just recently, may panibagong video ang kumakalat kung saan makikita si Christine na hysterical at umiiyak habang may kausap sa celphone, maririnig sa video ang ilang kataga na  “ginawa ‘nyo akong siningaling… ayusin ‘nyo ‘yan!”

Ang sapantaha ng mga netizen dito ay may kausap si Christine na production staff ng “It’s Showtime”. Ano na kaya ang susunod na mangyayari sa issue na ito, para itong teleserye na marami ang nakatutok at nag-aantay kung ano ang magiging reaksyon ng kampo ni Vice sa nasabing video, mape-pressure kaya siya na maglabas agad ng reaksyon o dededmahin  muna niya ito?! Abangan natin ang mga susunod na mangyayari!

Samantala, agaw pansin din ang mga taga-showbiz na mistulang sumawsaw sa issue, kagaya ni Nikko Natividad na ayon sa kaniya ‘di tama ang nangyaring pamamahiya kina Axel at Christine, pero agad naman niyang binura ang kanyang mga posts. Marahil ay naisip niyang kailan lang ay nag-guest siya sa nasabing noontime show.

Ang kontrobersyal na direktor din na si Direk Daryl Yap ay hindi rin nakapag-pigil na ipahayag ang pagkadismaya sa nangyari kay Christine at Axel.

‘Di ba, grabe ang impact sa mga televiewers ng “Expecially For You?” maingay ito sa telebisyon, pati narin sa social media, isa lang ang ibig sabihin,  sikat na sikat ang segment sa masa, ito ang nagbibitbit ngayon pataas sa rating ng It’s Showtime.

Well… saan man humantong ang issue na ito, sana ay may mapulot na aral ang lahat, lalo na ang produksyon at hosts ng “It’s Showtime” at maging ang mga guests sa nasabing segment.

Abangan ang susunod na kabanata…

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *