Thu. Nov 21st, 2024

AMINADO si AiAi delas Alas na ang kawalan niya ng kakayahan na mabigyan ng anak ang estranged husband na si Gerald Sibayan ang dahilan kaya siya hiniwalayan nito.

Sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, kinompirma ni AiAi na idinaan ni Gerald ang pakikipaghiwalay sa kanya sa chat noong Oktubre habang ang aktres ay nasa Pilipinas.

Sa kabila nang tapos na ang kanilang 10 taong relasyon ay umaasa si AiAi na makamit ni Gerald ang planong magkaroon ng anak na hindi niya naibigay dahil na rin sa kanyang edad.

“I wish you well kasi sa sampung taong pinagsamahan natin in fairness naman to you naging good husband ka naman and siguro ganoon talaga ang buhay. Basta, sana maging masaya ka na lang,” saad ni AiAi, na nagdiwang ng kaniyang ika-60 taong kaarawan nitong Lunes, habang si Gerald ay mahigit 30-anyos lamang.

Ayon kay AiAi, sinubukan nila ni Gerald na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF) pero nawala ang dalawa sa tatlo nilang embryos.

Itinuturing ng aktres na tulong sa estranged husband ang pagkakaroon nito ng green card o permanent resident status sa US dahil sa pagpapakasal sa kanya.

Nagkaroon ng green card si Gerald matapos siyang ipetisyon ni AiAi nang silang ikasal noong 2017.

Naging green card hiolder si AiAi noong 2015.

“Alam na niya ngayon how to fly. Parang kasi dati, ako yung nagmamaniobra, kasi ako talaga yung medyo matanda sa kaniya. So ngayon, mayroon na siyang karapatan to fly, nagwo-work na siya. Nandoon na siya sa Amerika,” sabi pa ni AiAi. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *