Thu. Aug 6th, 2026

Tutol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panukala ng majority senators na amyendahan ang Senate rules upang pahintulutan ang online attendance at voting ng mga senador.

“I disagree with that. I understand that we had to do it in COVID because there was a health risk. But I do not see any particularly good reason for us to allow it now,” anang Pangulo.

Tila idinisenyo aniya ito ng mayorya para paboran ang puganteng si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

“It seems to only be applicable to Sen. Bato [dela Rosa] para makaboto si Sen. Bato dahil nagtatago siya,” sabi ni Marcos Jr.

“For someone who is actually a fugitive from justice na hinahanap ng pulis… ng interpol at may arrest warrant galing sa ICC, palagay ko hindi siya dapat bumoto hangga’t dumating siya roon sa Senado kung he’s willing to take the risk,” dagdag niya.

Nagimbal ang Pangulo sa mga naging pangyayari sa Senado na hindi niya akalain na bababa sa ganoong antas.

“I watched with horror that the Senate has become this. I looked at my other fellow senators. Madalas kaming natitinginan ni ES Ralph. Ganyan ba tayo noong senador tayo? Mayroon ba tayong ganyan na ginagawa? Hindi tayo ganyan. Paano nangyari?”

“Iyong Senado hindi na kagaya noong panahon natin. Dahil nagpe-personalan na eh. Naging personal. Ang babaw na nang usapan.”

Hindi makapaniwala ang Pangulo na humantong sa kasalukuyang sitwasyon ang Senado na nagkakanlong ng mga pugante.

“And I never imagined that the Senate would descend into this kind of what’s happening right now.”

“The Senate is now sheltering fugitives from justice. How did that happen?” tanong ni Marcos Jr. # (ROSE NOVENARIO)

By admin