Mon. Sep 9th, 2024

Bilang na ang mga araw ni Bubbles sa Batang Quiapo.

In ABS-CBN’s primetime series, si Ivana Alawi ang gunaganap bilang Bubbles: Tanggol’s love interest.

In the history of BQ, Ivana will be Coco Martin’s second leading lady to resign. Nauna nang nagbitiw si Lovi Poe as Mosang.

Pero para sa mga tagahanga ni Ivana, mahaba-haba pa ang kanyang exposure doon dahil nakapag-advance siya ng episodes.

Ang tanong which begs for an answer: ano ang dahilan ng napipintong pagkawala ni Ivana?

Totoo nga ba that she has developed a “diva attitude” to the dismay of the production team?Kung ang management office (PPL) niya ang tatanungin ay hindi raw. Ever since naman daw ay maganda ang track record ng actress cum vlogger.

Finally, someone from Ivana’s camp spilled the tea. “Napagod na si Ivana sa taping!” ayon sa source.

Napagtanto raw ni Ivana that working her butt is not worth it kumpara sa kinikita niya sa vlogging which is far less stressful.

Dagdag pa ng source: “Kung tutuusin nga, hindi kailangang magtrabaho ni Ivana nang sagad, bakit naman niya pahihirapan ang sarili niya?”

Eto ang diperensya among most celebrities: pag walang trabaho, nagrereklamo; pag dumating naman ang trabaho, nagrereklamo pa rin!

Ivana needs to do some self-assessment. Bakit hindi niya itanong sa kanyang sarili who she is first: artista ba o vlogger?Unless she finds the answer, Ivana will always end up disoriented in her career perspective.

Bagay lang ang pangalang Bubbles niya sa teleserye who disappears at a snap of a finger.

 

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *