Mon. Jun 15th, 2026

MARIING binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at dating ACT Teachers Representative Antonio Tinio ang mga grupo ng negosyo sa pagtutol sa panukalang P200 wage hike sa kabila ng pagiging pangunahing benepisyaryo ng corporate tax cut sa ilalim ng CREATE law.

“Mahiya naman sila sa ating mga manggagawa todo ang pagtutol ng mga negosyante sa P200 wage increase habang sila ay nakinabang nang bilyon-bilyon mula sa CREATE law,” sabi ni Castro.

Binigyang-diin ni Tinio na ang pagsalungat ng mga grupo ng negosyo ay naglalantad sa kanilang pagpapahalaga sa tubo kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa.

“Malinaw na ang tunay nilang hangarin ay hindi ang kaligtasan ng kanilang negosyo kundi ang pagpapatuloy ng kanilang napakalaking tubo sa pinsala ng mga manggagawa. These business groups have received tremendous benefits from CREATE, yet they refuse to support even this minimal wage adjustment,” giit niya.

Pinuna rin ng teacher – solons ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nangangailangan ng “dagdag na pag-aaral” ang pagtaas ng sahod.

“The President’s statement is nothing but a delaying tactic. Sobra nang nagtitiis ang mga manggagawa sa napakababang sahod. The wage boards have consistently failed our workers. Hindi na dapat patagalin pa ang pagbibigay ng makatarungang sahod,” ani Castro.

“Kailangan ipasa agad ang panukalang ito sa ikatlong pagbasa. If Congress fails to act now, this second reading approval will be seen as mere posturing for the upcoming elections,” dagdag ni Tinio.

Nanawagan ang mga mambabatas sa kanilang mga kasamahan sa Kongreso na labanan ang pressure mula sa mga grupo ng negosyo at pabilisin ang pagpasa sa wage hike bill.

“Kompromiso na nga ang P200 wage increase dahil malaki pa ang itinaas. This modest increase must be passed immediately. Our workers have waited long enough. Dekada na silang naghihirap sa kakarampot na sahod while businesses continue to enjoy generous tax cuts and huge profits. ,” pagtatapos ni Castro. #

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *