📷Nars Alyn Andamo
“MAGIGING BAGONG MUKHA LAMANG NG KORAPSYON SA KALUSUGAN”
Itinalaga ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos si Dr. Edwin Mercado bilang bagong presidente at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Si Dr. Mercado ay nagsilbing vice chairman ng Mercado General Hospital o Qualimed Health Network, isang grupo ng mga pampribadong ospital sa Pilipinas na pagmamay-ari ng mga Ayala.
Bago man ang magiging pamunuan ng PhilHealth, nakikita nating mananatili ang korapsyon at katiwalian sa ahensya dahil sa modelo at sistemikong problema nito.
Kahit sino pa ang ilagay sa pamunuan nito ay patuloy na magiging gatasang baka ito ng mga pulitiko mula sa mga kontribusyong pinaghirapan at pinagtrabahuan ng mga manggagawang Pilipino.
Naninindigan tayong hindi na kinakailangan ng PhilHealth kung saan pang maghulog ng mamamayang Pilipino ng kontribusyon para lamang makakuha ng kakarampot na serbisyo nito.
Ang PhilHealth bilang isang insurance scheme ay hindi tunay na makakatugon sa pangangailangang pangkalusugan ng bayan.
Bagkus, dapat direktang pondohan ang mga pampublikong ospital at mga health care facilities para makatamasa ang taumbayan ng libre, kumpleto, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.#