Sat. Aug 8th, 2026

šŸ“· Myrna Cruz-Abraham | Karapatan

 

PINALAYA ang 70-anyos na human rights advocate matapos maglagak ng piyansa kahapon kaugnay sa isang lumang kaso na binuhay upang pigilan ang kanyang pagkilos bilang aktibista’t Ā tagapagtaguyod ng karapatan ng mga aping sektor ng lipunan.

Sinabi ng human rights group na Karapatan, walong araw na ipiniit si Myrna Cruz-Abrahan matapos illegal na dinakip ng mga pulis ng Quezon City sa San Rafael, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest galing sa korte sa Aparri, habang bumibili ng gamot.

ā€œSa nakaraang linggo, sinaludsod ng Karapatan NCR ang mga korte sa Cagayan Valley para makita kung may iba pang gawa-gawang kaso laban kay Myrna at nakaranas ng surveillance at pagbuntot ng motor at kotse na mga hinihinalang elemento ng estado. Isang lumang kaso ng frustrated murder sa Aparri RTC Branch 9 ang binubuhay para pigilan ang pagkilos ni Myrna bilang aktibista’t tagapagtaguyod ng karapatan ng manggagawa, maralita, katutubo at iba pang aping sektor sa bansa,ā€ ayon sa Karapatan.

ā€œUmaasa kaming wala nang bagong gawa-gawang kasong bigla na lang susulpot at gagamitin laban kay Myrna.ā€

Nakalululungkot at nakakagalit anila ang ang sinapit ni Myrna na stress at hirap sa pagkaaresto at isang linggong pagkakakulong.

ā€œMaging ang kanyang ika-70 kaarawan noong Enero 30 ay sa kulungan na siya inabutan, sa halip na sa piling ng mga pamilya, kaibigan at kasama sa gawain.ā€

Giit ng Karapatan, ginugol ni Myrna ang malakaing bahagi ng kanyang buhay sa pagsusulong ng karapatan ng mga katutubo, kababaihan, at mga manggagawa.

Noon pa man anila y naranasan na niya ang panggigipit ng estado mula nang siya ay makulong noong 2010 sa gawa-gawang kasong murder at election gun ban violation.

ā€œAng kinasapitan ni Myrna ay patunay lang ng napakasahol na pagtrato ng rehimeng Marcos sa mga aktibistang malaon nang subok sa paglilingkod sa sambayanan. Lalo lamang humahaba ang listahan ng krimen ng rehimen laban sa mamamayang Pilipino,ā€ sabi ng Karapatan.

Umabot na anila sa 762 ang bilang ng bilanggong politikal sa bansa at sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. ay 154 na ang illegal na inaresto

Ayon sa Karapatan ginagawang normal ng rehimeng Marcos Jr. ang paggamit ng batas upang gipitin ang mga kritiko nito.

Nanawagan ang human rights group na palayain ang lahat ng bilanggong politikal sa bansa.Ā  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *