Wed. Sep 18th, 2024

SOME people can really be heartless.

Isang klasikong halimbawa ay ang ibinabalandarang balita ng Showbizfinds sa Facebook.

Sukat ba namang nagsusumigaw ang headline ng balita na: “Kris Aquino napaiyak sa pag-amin ni Bimby na may boyfriend siya!”

Antimano, if the reader is in his right senses ay sasabihin niyang fake news ito. Just another fabricated story aimed at misleading the public, at the same time making money at the expense of Kris and Bimby.

Buti sana kung ganoon nga ang mindset ng lahat ng netizens, but what about those who were born without the gift of discernment?

Eh, ‘di the gullible ones will take the news item hook, line and sinker!

Nakakalungkot basahin ang mahigit 200 comments ng mga netizens who were taken for a ride.

Kesyo hayaan na lang daw maging maligaya si Bimby kung anuman ang sexual orientation niya. ‘Yung iba nama’y tinawag siyang “Bambi.”

Hindi ito ang unang beses na napaulat ang tungkol sa “leanings” ni Bimby. Kung matatandaan, “paborito” siyang paksain ng isang retirado na’t maysakit pang brodkaster sa pagiging effeminate ni Bimby.

Yet sa mga pagkakataong ‘yon–during Kris’ healthier days–ni minsan ay hindi rumesbak ang ina ni Bimby.

Menor de edad pa kung tutuusin si Bimby who can resort to legal action para papanagutin ang mga tao sa likod ng Showbizfinds.

If it happens, literal na mapa-find ng mga ito ang hinahanap nila sa showbiz!

A regrettable one.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *