Thu. Sep 19th, 2024

ASIDE from his kin, kabisado rin ng pangulo ng Gymnasyics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion ang karakas ng mine-mentor niyang si Carlos Yulo.

No doubt, Ms. Carrion is like family to the two-time Olympic medalist.

She seems privy to Carlos’ private life lalo na ang pagkakaroon nito ng inspirasyon who fueled him to perform his darnest best sa nakaraang global sports event.

Ang hindi alam ng marami, Cynthia has grown fond of Chloe San Jose who she describes as “sweet at mabait”–contrary to public perception.

If only for this, Chloe has earned Cynthia’s stamp of approval.

The GAP prexy would not have heaped praises on Chloe kung wala siyang pinanghahawakang resibo.

Which brings us to Cynthia’s big reveal.

Bago pa man nagkagulu-gulo ang pamilya ni Carlos ay balak sana palang tipunin ni Chloe ang kanyang pamilya as well as the Yulos over a heartwarming dinner.

Naudlot nga lang ang kasado na sanang salu-salo na ‘yon nang isambulat ni Angelica, ina ni Carlos, ang kanyang mga hanash sa anak.

Carlos and Chloe decided to set aside the dinner date as they awaited further developments–huhupa ba ang isyu o hindi pa rin ito nareresolba?

As it is now, wala pang balita kung itutuloy ni Chloe ang planong pagtagpuin ang kani-kanilang pamilya over dinner.

Lalo pa’t ang mas naging bukambibig ngayon ay ang “dinero”–lots of it–na matatanggap ni Carlos.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *