Thu. Sep 19th, 2024

June this year pa kung tutuusin kuha ang video kung saan makikitang naglalakad ang nagkasintahang AJ Raval at Aljur Abrenica, pero nito lang ito kumalat sa social media.

No big deal din naman ang sighting sa kanila since it had something to do with AJ’ ang Aljur’s gracing the opening of an aesthetics company in Subic, Zambales which they both endorse.

Pero hindi is what stirred the pot, in a manner of speaking.

Mas napansin kasi ang batang babaeng kasama nilang naglalakad, naka-face mask at nakahawak sa kamay ni AJ.

As usual, some netizens were quick to jump the gun–hinusgahan nila agad ang couple heaping the blame more on Aljur.

As for AJ and Albert, anang mga netizens–ilalabas din pala ang bunga ng kanilang relasyon.

Parang walang pagkamintis ang pagkokomento ng mga ito na ang batang babaeng ‘yon ay anak ni AJ sa pagkadalaga.

Thank God, not all netizens share the same line of thinking.

Kung sisipatin kasi nang maigi ang batang babae, she’s a bit too old for the couple’s “daughter.”

Isang nerizen ang dumepensa kina AJ at Aljur by proving her point by drawing a timeline of events.

Kung babalikan, taong 2021 nang maugnay sina AJ at Aljur na magkasama sa pelikulang Nerisa.

But it wasn’t until 2022 nang umamin ang dalawa na may namumuong relasyon sa kanila.

Entonces, pagtatanggol ng netizen–kung totoong anak nina AJ at Aljur ‘yon, the girl must be anywhere between two and three years old.

The girl on the viral video can already pass for a dalagita.

Besides, hindi ba puwedeng pamangkin ‘yon ni AJ who’s fond of her nieces?

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *