Fri. Mar 27th, 2026

Posible raw matupad ang wish ng isang mag-anak na muling mabuo ang kanilang pamilya, dangan lamang at baka mangyari ito sa likod ng malamig na rehas.

Ito’y magaganap sakaling trulili ang chismax ng Las Chismosas Ombudsman Chapter na may umuusad daw na motu propio investigation laban sa angkan ng mga politiko dahil sa anomalya sa flood control projects sa kanilang lalawigan.

“Ibig bang sabihin, baka hindi na lang simpleng visitors sa jail ang magiging papel nila kapag nabusisi na ang milyones na pera ng bayan ay napunta sa kanilang pamilya?” tanong ng isang miron.

CLUE:

Kaalyado ng administrasyon ang pamosong political dynasty mula sa Region 4 kaya’t hindi nila akalain na masasampolan sila sa anti-corruption chorva ng Bossing ng Bayan Mo.

Mas malakas pala ang bertud sa Palasyo ng kanilang political rival sa probinsya na tangan ang dalawang sensitibong posisyon sa administrasyon.

Nawalan tuloy ng bisa ang agimat ni Tolome!

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *