Thu. Aug 6th, 2026

Hinikayat ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang administrasyong Marcos Jr, na kagyat na linawin ang anunsyo ng Department of Energy na may 329,000 barrels (52.311 million liters) na “state-procured” diesel mula sa Malaysia ang idineliber sa Pilipinas, matapos itanggi ng Malaysian government sa pamamagitan ng National Economic Action Council (Majilis Tindakan Ekonomi Negara – MTEN) pati ng Malaysian state oil firm  Petronas na nagbenta sila ng diesel sa Pilipinas o nagpadala ng anomang shipment.

Kinompirma ng National Economic Action Council (MTEN) ng Malaysia na ang 329,000 barrel ng diesel na ipinadala sa Pilipinas ay hindi nanggaling mismo sa kanilang bansa.

Sa isang kalatas ay inabisuhan ng MTEN Crisis Management Team ng Malaysia ang publiko na iwasan ang ispekualsyon at magbase lamang sa mga opisyal na government sources.

“Ayon mismo sa gobyerno ng Malaysia at sa Petronas, wala raw silang binentang diesel mula sa Malaysia. Ang tanong: sino ang nagsasabi ng totoo – ang DOE o ang gubyerno ng Malaysia at  Petronas? Meron ba talagang dumating na diesel? Saan nanggaling ito? Kanino bumili ang PNOC-EC? Dapat magpaliwanag si Sec. Garin,” ani Tinio.

Giit ni Tinio, sensitibo ang isyu dahil nahaharap din sa domestic fuel concerns ang Malaysia, at ang delikadong usaping politikal sa kanilang mamamamayan ang pag-export ng produktong petrolyo.

“Naglabas ng ganyang mga paglilinaw ang Malaysia dahil alam nilang magagalit ang kanilang mamamayan kung malamang nagbenta ang kanilang gubyerno ng diesel sa ibang bansa habang dumaranas din ng shortages ang Malaysia.”

“This is not a small discrepancy—it is a serious contradiction that raises questions about credibility, procurement transparency, and even our diplomatic relations,” sabi ni Tinio.

“If DOE claims the diesel shipment came ‘from Malaysia,’ but  the Malaysian government itself along with its own state oil company says no diesel was sold or shipped to the Philippines, then DOE Secretary Sharon Garin must explain exactly what happened and what the government means by ‘from Malaysia.’”

Ang shipment umano mula Malaysia ay kasunod ng naunang pagdating ng 142,000 bariles (22.578 milyong litro) mula Japan noong Marso 26, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Executive Order 110 na magtayo ng mga reserbang suplay sa gitna ng pandaigdigang pagkasumpungin at tumitinding tensyon sa rehiyon ng Golpo.

Binigyang-diin ni Tinio na kung ang gobyerno ay tumutukoy sa emergency procurement at paggamit ng pondo ng bayan, dapat mas mataas ang antas ng transparency, hindi mas mababa.

“Malinaw dapat ang pinanggalingan ng diesel at proseso ng pagbili,” dagdag ni Tinio. “Hindi puwedeng puro press release habang naguguluhan ang publiko at nadadamay ang ugnayang panlabas. Pananagutan ng DOE ang tumpak na impormasyon.”

“The Filipino people are paying for this crisis at the pump,” sabi ni Tinio. “They deserve transparency, not contradictions.” #

By admin