Tue. May 26th, 2026

Pinagbawalan ng Sandiganbayan na lumabas ng bansa sina Sen. Rodante Marcoleta, dating Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor at dalawang iba dahil sa kinakaharap na reklamong plunder kaugnay sa P75 miilyong campaign donation.

Pinagbigyan ng Sandiganbayan 7th Division ang hiling ng Ombudsman na mag-isyu ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kina Marcoleta, Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray habang umuusad ang kasong plunder laban sa kanila.

Anang Ombudsman inamin ni Marcoleta sa mga panayam na nakatanggap siya ng P75 milyong campaign donations, ngunit hindi ito nakasaad sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) or his Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa kandidatura niya sa pagka-senador noong 2025.# (RRN)

By admin