Sat. May 23rd, 2026

Kinompirma  ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na isinusulong ng minority block na tinaguriang  SB-11 o Solid Bloc 11 na maging Senate President si Sen. Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Pangilinan  na may track record si Gatchalian na kaya niyang bigyan proteksyon ang pera ng bayan at tiyakin na mapupunta ito sa dapat paglagyan.

“Gusto naming lahat na kabilang ng SB-11, o Solid Bloc 11, na maging Senate President si Senator Sherwin “Win” Gatchalian,” ani Pangilinan sa isang kalatas.

“Napatunayan niya, lalo na sa mga deliberasyon para sa 2026 national budget, na kaya niyang protektahan ang pera ng bayan at matiyak na mapupunta ang pondo kung saan ito higit na kailangan,” dagdag niya.

Maging si Senate President Alan Peter Cayetano aniya ay sinabi na puwedeng niyang iboto si Gatchalian bilang pangulo ng Senado.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kahandaan si Gatchalian na maging senate president lalo na’t sampung taon na siyang senador at naging chairman ng iba’t ibang komite gaya ng economic affairs, energy, basic education, ways and means at finance. # (ROSE NOVENARIO)

By admin