Wed. Jun 17th, 2026

Naniniwala ang beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo na wasto na nakakulong sa ICC Detention Facility sa The Hague, Netherlands ang kanyang kaibigan na si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa rami ng pinatay sa ipinatupad nitong drug war.

“Tingnan mo yung ginawa nilang executions. Hindi 6,000 lang yung pinatay, mga 30,000. Grabe, sobra,” sabi ni Tulfo sa panayam sa KC After Hours podcast sa YouTube.

“Tama lang na andun siya sa The Hague. Kasalanan din nya. Hindi siya nakinig. He allowed himself to be surrounded by sycophants and boot lickers,” aniya.

Inamin ni Tulfo na siya ang nag-udyok na kumandidato sa 2016 presidential elections si Duterte kaya’t nakaramdam siya ng panlulumo matapos ang termino nito.

Mula aniya maluklok sa Malacanang si Duterte ay binakuran na siya ni Bong Go at maging ang mga sinulat niyang mga artikulo tungkol sa administrasyon ay hindi pinabasa sa kanyang kaibigang pangulo.

“Binakuran ni Bong Go si  Presidente. I wasn’t able to have access to him. I would have told him, “Bay, mali na yang ginagawa ninyo. Why should you execute small people?  These are also victims of drugs pati yung mga user,”       lahad ni Tulfo.

“I wrote stories para makaabot lang sa kanya. I wrote stories about his administration. Hindi nakakarating sa kanya. But I know, pag tungkol my stories in my columns, opinions, hindi pinapabasa sa kanya.”.

Dalawang malalaking drug rehabilitation center ang ipinatayo ni Duterte ngunit wala naman itong laman.

Ang reward aniya na ibinigay sa mga nakapatay sa implementasyon ng drug war ay nanggaling umano sa mga druglord na suportado ng administrasyong Duterte.

“Gusto nila patay nang patay kasi may reward. And I heard that the rewards came from druglords who were rivals of their druglords, druglords that they are supporting. Sabi ko, “Oh my God, why?” kuwento ni Tulfo.

“I thought there would be change and then during his time, President Digong was blindsided by the people around him.”

Para kay Tulfo, ang administrasyong Duterte ang pinakamasahol na ipokrito.

“Let’s face it. I’d like to face reality because he was my friend I also was behind what they are doing, it’s partly my fault.And now I realized, Oh my God, what have I’ve done. What have we done? “ tanong niya.

“The Duterte administration was, I would say, the greatest hypocrite. It was hypocrisy,” wika niya. # (ROSE NOVENARIO)

By admin