Sun. Oct 6th, 2024
Liza Soberano

TILA hindi pa humuhupa ang “inis” ni Liza Soberano sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz kahit dalawang taon na siyang wala sa poder ng showbiz columnist at vlogger.

Napuna ng netizens ang pag-like at repost ni Liza sa X (dating Twitter), ang artikulong inilathala ng isang entertainment website hinggil sa paghahain ni Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel complaints laban kina Diaz at beteranong showbiz columnist/ host na si Cristy Fermin.

Matatandaan noong Pebrero 2023 ay inihayag ni Liza sa isang 14-minute vlog released on ang kanyang 13-taon sa showbiz industry sa Pilipinas ay isang bagay na wala siyang kontrol.

Maging ang kanyang screen name na Liza aniya ay pinili para sa kanya.

“I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas.”

Ikinagulat ni Diaz ang rebelasyon ng dati niyang alaga dahil binigyan naman aniya ng laya ang aktres para magdesisyon para sa kanyang career.

“Kung sinasabi ni Liza na parang kinocontrol siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man yan at ang Star Magic, gusto ko magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami. Kaya siguro sumikat siya,”

Labing-isang taong naging manager ni Liza si Ogie hanggang magpasya ang aktres na lumipat sa Careless agency ni James Reid noong 2022. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *