Binuksan noong 29 Abril 2024, ang ikalawang Eksibit sa mga Nanganganib na Wika sa Senado ng Pilipinas. Tampok sa Eksibit na ito ang buhΓ‘y na dΓΊnong at materyal na kultura ng mga RemontΓ‘do at AtΓ‘.Β Pinangunahan nina Sen. Loren Legarda at Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagbubukas ng Eksibit.Β Dinaluhan din ito ng mga miyembro ng komunidad ng RemontΓ‘do na sina Melinda Sta. Ana (Elder, Sityo Nayon, Tanay, Rizal), Violeta Vertudez (Chieftain, Sityo Nayon, Tanay, Rizal), Herminio R. Mendoza (IPMR/Datu, Brgy. Lumutan, Gen. Nakar, Quezon), at Nicanor V. Dela Cruz; at ng mga AtΓ‘ na sina Reneboy B. Francisco (IPMR, Brgy. Celestino Villacin, Cadiz, Negros Occidental), Garry D. Consing (Chieftain, Sityo Manara, Brgy. Celestino Villacin ,Cadiz, Negros Occidental), Madelyn M. Bodoso (kauna-unahang Ata na nakapagtapos ng kolehiyo, kasalukuyang guro sa elementarya).
HΓ‘tang KayΓ© ang wikang sinasalita ng mga RemontΓ‘do na matatagpuan sa bayan ng Montalban, Lungsod Antipolo, at Tanay sa Rizal, at sa General Nakar, Quezon. Nanganganib nang maglaho ang HΓ‘tang KayΓ© dahil mga nakatatandang RemontΓ‘do na lΓ‘mang ang gumagamit nito, at hindi na ito naipapΓ‘sa sa nakababatang henerasyon. Gayunman, nagsisikap ang pamayanan na maitampok at patuloy na ipakilala sa kabataan ang kanilang wika at kultura sa pamamagitan ng mga programang pampaaralan at pangkatutubo. Inaasahan ding malubhang maaapektuhan ang mga RemontΓ‘do sa pagbubukas ng Kaliwa Dam sa loob ng kanilang Lupaing Ninuno.
InatΓ‘ ang katutubong wika ng mga AtΓ‘ na matatagpuan sa Cadiz, Sagay, Calatrava, at Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental. Nanganganib na ring maglaho ang InatΓ‘, sa isinagawang language profiling ng KWF noong 2022 sa Sityo Manara, Brgy, Celestino Villacin, Cadiz, 30 katutubong Ata na lamang ang nagsabing natutuhan pa nila ang AtΓ‘ bilang unang wika.Β Sa kasalukuyan, 18 Ata na lamang ang balanced bilingual o marunong ng ibang wika at marunong din ng Inata.Β Para muling mapasigla ang wikang InatΓ‘, nakikipagtulungan ang mga AtΓ‘ sa KWF, sa Pamahalaang Lalawigan ng Negros Occidental, Pamahalaang Lungsod ng Cadiz, at DepEd Cadiz para masimulan ang programang Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning.
BΓΊkas ang Eksibit mula sa 29 Abril 2024 hanggang sa 10 Mayo 2024 sa ikalawang palapag ng gusali ng Senado ng Pilipinas, Lungsod Pasay.