Fri. Nov 22nd, 2024

NAIRITA ang ilang taga-media sa isang nangangarap na makabalik sa Senado .

“Imbes kasi matuwa sa publisidad na makukuha sa mga paanyayang panayam sa kanya, tila nainis pa siya sa nakapilang interview requests,” sabi ng Iritadong Chismosa sa EDSA.

Pinaputok kasi ng kampo ng Senatoriable na kumalas siya sa dating partidong kinaaaniban kaya naman gustong malaman ng madla kung ano ang dahilan niya.

“Kung gusto niya manalo, dapat maging matiyaga siya sa pangungulit ng media dahil makatutulong ito sa kanyang propaganda,” dagdag ng Iritadong Chismosa sa EDSA.

CLUE:

Ang feeling habulin na Senatoriable ay minsan nang sumemplang sa halalan kahit pa tunog bayani ang kanyang apelyido.

Natalo rin ang hinawakan niyang kandidato kaya’t kung tutuusin ay wala naman siyang dapat ipagmalaki.

“Best in Skincare” yata ang naging hawak niyang trono sa Senado, ‘di tulad ng matitikas na mambabatas na napakahusay sa diskurso.

“Ayaw nina Ninoy at Cory ng ganyan.”

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *