Sun. Oct 6th, 2024

SEN. SHERWIN GATCHALIAN

MAY posibilidad kaya na magkakilala ang pamilya ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pamilya ni Sen. Sherwin Gatchalian?

Ito ay kung may katotohanan ang impormasyon ng reliable source ng Balitang Klik sa Valenzuela City na pagmamay-ari umano ng mga Gatchalian ang warehouse na tinirhan ng pamilya Guo nang “mapadpad” sila sa Pilipinas at “walang-wala” sa buhay.

Sa kanyang pahayag kanina ni Gatchalian, sinabi niya na posibleng Chinese national ang in ani Guo na isang Wen Yi at hindi ang Amelia Leal na nakalagay sa birth certificate ng alkalde.

“Kung saan sya rumenta ng warehouse, itong taong si Wen Yi, parang pinapakilalang nanay nya doon sa mga taga doon sa Valenzuela. So, ako ang personal assessment ko, this might be the biological mother ni Alice Guo. Based on mga tanong-tanong ko,” ani Gatchalian.

Madalas din umanong lumabas ang pangalang Wen Yi  sa mga dokumento ng family  business ng mga Guo.

“In our system, we follow the bloodline. Kung ano ang parents mo, yun ang nationality mo,” ani Gatchalian.

Sinusubukan ng Balitang Klik na kunin ang panig ng mga Gatchalian. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *