Mon. Jul 8th, 2024

📷 Gerard Raymond Yu | Manila Bulletin 

ANO kaya ang barometro ng Makati road rage suspect sa pagiging isang mabuting tao?

“Mabuti po tayong tao, hindi po tayo masama… Nakikiusap lang po ako sa mga tao ng ‘wag naman po husgahan tayo,” apela ni Gerard Raymond Yu, ang suspect sa pagpatay sa family driver na nakagitgitan niya sa Makati City kamakailan.

Isinalang sa inquest proceedings ang road rage suspect sa Makati police headquarters ngayong Mayo 31 at humarap din ang naulilang pamilya ng biktimang si Aniceto Mateo.

Inusisa si Yu kung siya ang bumaril kay Mateo, ang maigising tugon niya, “Si attorney na lang po, pasensya na kayo.”

Nagpositibo sa gun powder residue si Yu at tumugma ang basyo ng bala at baril sa ballistics examination.

Positibo rin siyang kinilala ng mismong mga biktima, mga kasama ni Mateo nang maganap ang pamamaril.

“Hindi ko po kasi alam, si attoney na lang po,” sabi ni Yu. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *