Mon. Sep 16th, 2024

Half-Pinoy, half-afam.

Ito raw ang bagong nobyo ni Bea Alonzo ayon sa latest tsika ni Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update online show.

Sinadya munang ibitin ni Ogie ang tsikang ito, presenting it as a blind item.

Understandable nga naman kung maingat na sila sa paghahatid ng balita most especially anything about Bea.

Hindi nga ba’t sinampahan sila ng aktres ng cyber libel? “Hindi pa nga tayo nakakaraos, eto na naman tayo! Ha! Ha! Ha!” mismong si Ogie at ng kanyang mga kasamahan found a way to humor the situation.

This time around though, obyus na ibayong ingat ang pinairal ni Ogie for dishing out the item.

Pasintabi ng talent manager din: “Ito lang naman, eh, nasagap ko, ha? Pero mas mabuting kay Bea na mismo manggaling ang confirmation o denial.”

At ‘yun na nga, Ogie went on with his story na base sa kanyang nasagap: “Half-Pinoy half-foreigner daw ang bagong boufriend ni Bea Alonzo! Ano ang take ko dito? Honestly, I’m happy for her kung totoo nga ‘yon. At least, naka-move on na siya. At mukha namang naka-move na rin si Dominic Roque!”

Before wrapping up the discussion, pahabol ni Ogie: “Siguro naman, walang libelous sa ibinalita ko…ha, ha, ha!”

Curious siyempre ang mga netizens, ano kayang lahi ang newfound love ni Bea?

Saan at paano nagkrus ang landas nila? Personal ba o through other means?

Nakapasyal na ba ang guy rito sa Pinas if he’s based in the country of his origin, o nakadestino dito dala ng kanyang trabaho?

Paano nakaligtas sa mga netizens ang stage, phase o period before they became boyfriend-girlfriend: ang ligawan in other words?

Sa social media where no one escapes, bakit ni isa man lang larawan ay wala  sila together o individual photos man lang?

Unless these questions are answered, mananatiling isang puzzle ang bagong lovelife ni Bea.

Pero totoo nga bang she has learned her lesson, na hangga’t maaari’y huwag nang gawing for public consumption ang kanyang pribadong buhay?

Kunsabagay, public figure that Bea is ay meron din siyang private life na dapat pangalagaan.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *