Fri. Sep 6th, 2024

Idinaos kamakailan ang presscon ng Borrat Film Productions upang ipakilala ang mga bagong alaga na sina Nica Balmes, Aviegale Castillo, Elle Fernandez, Zelene Dizon, Jesy Vidal, at ang nag-iisang barako, Sean Raval na anak ng action star, Jeric Raval.

Puspusan ngayon ang training nila lalo na acting sa pangunguna ni Dennis Arce na tumatayong head ng Borrat Artists and Talents Management. Sinisigurado niya na maging epektibo ang workshop upang maging handa ang mga ito sa mga upcoming projects sa ilalim ng Borracho Film Productions.

Lubos ang pagmamalaki ni Atty. Topacio sa mga bagong alaga; bukam bibig niya na magkakaroon ng pangalan sa showbiz ang mga ito, lalo pa na halos lahat sila ay nangarap na maging artista simula bata pa lang.

Mistula namang instant love team ang nabuo sa presscon sa pagitan nina

Sean Raval at Elle Fernandez. Sa simula pa lang ay napansin na agad ng press ang panunukso ni Atty. sa dalawa, at mukhang namang may kilig at chemistry sila. Malay natin baka magustuhan sila as love team ng mga pinoy.

Si Sean Raval ay huhubugin na maging isang action star gaya ng amang si Jeric Raval, na talaga namang kailangan sa industriya ngayon, dahil halos wala ng sumunod sa yapak ng mga kilalang ‘Pinoy Action Stars’ katulad nila (The late) Fernando Poe Jr., Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Cesar Montano, Robin Padilla.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *