Tue. Jun 9th, 2026

Inanunsyo ng Securities and Exchange Commission (SEC) ngayong Sabado, Enero 31, na nagsampa ito ng kasong kriminal laban sa Villar Land Holdings Corp. at ilang miyembro ng pamilya Villar kaugnay ng umano’y market manipulation, insider trading, at mapanlinlang na mga pahayag.

Nakatuon ang kaso sa maagang 2024 disclosures ng Villar Land na nagpakita ng PHP 1.33-trilyong halaga ng asset at PHP 999.72-bilyong netong kita, mga numero na bumagsak sa PHP 35.7 bilyon matapos ang audit.

Ayon pa sa reklamo, dalawang kumpanya, ang INFRA Holdings at MGS Construction, ang nagsagawa ng stock trades na lumikha ng artipisyal na demand upang suportahan ang presyo ng Villar Land. Pag-aari ni Virgilio, kapatid ni Manny, ang INFRA Holdings.

Partikular na pinangalanan sa reklamo ang mga miyembro ng pamilya Villar, kabilang sina dating senador Manny at Cynthia Villar, at ang kanilang mga anak na sina kasalukuyang senador Camille at Mark, at si Manuel Paolo. Kasama rin ang iba pang direktor ng Villar Land.

Binanggit ng SEC si Camille na umano’y bumili ng 73,600 shares na nagkakahalaga ng PHP 1.43 milyon noong Disyembre 2017, ilang oras bago ang isang corporate disclosure na kalaunan ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng stock ng kumpanya.

“Taken together, the complaint alleges that these acts misled investors, distorted market prices, and undermined investor confidence in the fairness and integrity of our stock market,” ayon sa pahayag ng SEC.  (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *