
Hinirang bilang honorary president ng Carry Fighting Championship ng Taiwan si dating eight-division boxing world champion at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Inaasahan na ipo-promote ni Pacquiao ang professional boxing league at ibabahagi ang kanyang kaalaman sa aspiring boxers sa Taiwan.
Target ng tournament na masungkit ang atensyon ng mundo at i-develop ang boxing sa naturang bansa.
Nakatakdang sagupain ng Pambang Kamao si Muay Thai legend Buakaw Banchamek sa 20 Abril sa Bangkok ,sa kolaborasyon sa Taiwan Fighting Sports Co. ang mangunguna sa league na sisimulan sa Marso. (ZIA LUNA)